work


Wala akong maisip na ma post dito sa blog ko binigyan lng ako ng friend ko na idea. para naman may ma post lang ako. tuyo na talaga ang utak ko siguro o wala lang talaga akong maisulat.

Kaninang lang lunch usually bumili pa ako ng ulam ko para sa lunch dahil sa sobrang kung sipag magluto ng baon ko. well balik tayo sa kwento ko meron akong suking karenderia dun ako bumibili ng ulam ng pang luch kasi may baon naman akong rice. simula yata nung nagtrabaho sa kompanya nato doon na talaga ako bumibili ng ulam ko for lunch. well pwede na din pagtsagaan ang mga luto ni manang kasi hindi naman everyday masarap ung luto niya maybe it depends din sa mood ni manang. nakakasawa na ang ulam ni mang everyday nalang pauli-ulit yung luto niya. na memorize ko nga ung mga ulam dun. ito ang mga daily ulam ni manang.MENUDO, ADOBO, SINIGANG NA BABOY, TINOLANG MANOK, DINUGUAN, AT GULAY NA HINDI KO ALAM SAN NAKUHA NI MANANG YUN.

kaya kanina nilagpasan ko ang karenderia ni manang nag try ako bumili sa ibang karenderia. wala naman masama mag try diba! well mukha din hindi masarap ang ulam doon. parang ganun din ang tinda parang parehas lang kay manang. bumili parin walang choice sipag ko kasi. bumili ako ng Binagoongangbaboy pagkain ko hindi siya masarap na compare ko tuloy dun kay manang masarap pala ung binagoogang baboy ni manang. parang sayang yung 30 pesos ko. hayz!!( nasa huli talaga ang pagsisisi)

kaya na isip ko bablik nalang ako kay manang dun nalang ako ulit bibili na ulam ko. mas oky pa dun kahit si manang lagi na kasimangot at mahilig magmura at kahit tawag niya palagi sakin ate. no choice talaga ako kung di bumalik sa nakasanayan dahil kahit anung sabi ko sa sarili ko na magbabaon na ako hindi ko talaga magawa dahil lagi na akong tanghali gumising.

manang sana nagbabasa ka ng blog mabasa mo tong mga hinaing ko sayo. sana iba-ibahin mo din ung ulam niyo kasi nakakasawa na talaga. yan tinulugan ko pa kayo na ma promote ung karenderia mo alam mo bang milyum milyun blogger at none blogger ang nagbabasa ng site ko. (asa pa ako wish ko lng may pumasin kahit isa).

makikilala na sa world wide web ung karenderia niyo ha! sana poe mag smile naman kau kahit minsan lang poe kahit wala na kaung ipin…lol’s peace to tayo manang!!!!!

Kanina naka recieve kami ng email from our boss na naka base sa America. excited kami sa news na bagong nature of work namin. tuwang tuwang ako dahil sa wakas bago na ang trabaho namin. nag sawa na kasi ako sa dati naming ginagawa na mag encode ng events sa america.

New work na ang ginawa namin ngaun hindi siya madali tulad ng inaasahan ko mahirap pala siya at ang sakit sa ulo. parang gusto ko na uli ung lumang trabaho ko. kung sa dati kong trabaho puro copy paste lang ginagawa ko ngaun kailagan ko ng basahin at intindihin ng mabuti . kailagan ko pa gumawa ng discussion at mag ewan ng comment sa bawat site na binubuksan ko. nose bleed talaga ako dito kailagan english hayz.

New challenge to sakin ngaun tong bagong work namin. atleast madadagan ung mga kaalaman ko. lahat naman ng trabaho mahirap sa simula depende nlng sa tao siguro paano ang gagawin niyang diskarte. sana mag increase din ung sweldo namin wish ko lang.

Sakit talaga ng ulo ko ngaun pero kailangan kong gawin to dahil responsibilidad ko dahil binabayaran ako para gawin to. thanful parin ako dahil meron akong trabaho ngaun at hindi na sasayang ung oras ko at kumikita pa ako.

sana uwian na para makauwi na ako at bukas ko na lang gagawin to sobrang sakit sa ulo hayz…migraine naman to!!!!!!!!!!!!

Design a site like this with WordPress.com
Get started